.....

Showing posts with label nakakatamad mag-english kaya taglish na lang. Show all posts

Dahil Alam Ko Na.

Sunday, August 11, 2013 § 2

Ang weird lang. Sometimes, nothing makes sense and then all of a sudden, you find all the answers to the questions. Minsan, gusto ko nang itigil, kumawala. Nakaksira ng bait kapag biglaang nangyayari yung mga nearly impossible things na gusto mo, yung mga bagay na ni-give up mo na, yung akala mo wala nang pag-asa? Ang weird lang ng mga twists ng buhay. Nagkataon lang ba ang lahat ng pangyayari? Is it chance or accident? Are they the same and one? Hindi ko naman akalain na hahantong sa ganito. Mahal kita, hindi ako tumigil. Kahit na minsan, hindi ako tumigil. May mga iba, pero wala lang yung mga yun. Of course, I felt guilty-- still feel guilty. Nakakapanghinayang. Dahil sa kagustuhan kong maka-get-over sa'yo, marami akong nasaktang ibang tao. To be precise, dalawa sila. I feel remorse. I feel guilt. But most of all, I feel dirty. It's time to grow up, and drop all pretense, it's time to drop the license of stupidity and desperation. I tried, really na kalimutan ka, but it's all out of my control. Puso ko ang kinalaban ko at na-realize kong hindi ako mananalo dahil ayaw ko mang tanggapin, ito lang ang gusto namin: ang mahalin ka, mahalin ka, at mahalin ka. Ikaw ang tanging lalaking kinahuhumalingan ko at hindi na ako magpipigil dahil ayoko ng masaktan, makasakit. Ayoko ng masaktan ka. I realized the first time I saw you, my heart is no longer mine. It's yours to keep, and from now on, I will do it's every bidding. It's a great risk to take but it's worth damn much. Mahal kita, hindi ako tumigil. Walang iba, ikaw lang. Ngayon, heto na ko sa harapan mo. Hindi na ako matatalo because this time, puso ko na ang ipupusta ko. Nothing else matters because nothing else has ever been this clear to me.

sakey ed sikara

Thursday, January 19, 2012 § 13

dear d.,

hindi ko din akalain na hahantong sa ganito. parang kailan lang, magka-holding hands tayong naglalakad sa downtown. alam mo ba, Miss na kita sobra. sana di na lang tayo nag-break noh? sana di na lang ako nakipagbreak sayo. ikaw naman kasi, ang arte mo. may mga nalalaman ka pang 'naguguluhan ako'. agaylatan met. what did you expect di ba? Ako nga, nagulo buhay ko dahil sa'yo.

never kong pinagtapat sayo ito, pero alam mo ba, i was never the same after us. pwede kong sabihin na after all the shit i've been through, i'm a lot wiseR now. pero hindi ee, kasi nakakabobo talaga yung mga nangyari. ayoko ng maging dagdag pasakit sa mga problema mo. ayokong pasanin mo ako. pero alam mo ba? pasan kita. siguro, kahit ilang lalaki pa ang lumuhod sa harapan ko ngayon, Titingala pa din ako at mukha mo lang ang makikita ko. kahit sa iba ka pa nakatingin.. alam kong sa iba ka na nakatingin. di ba?

hindi ko naman hinihiling na sana hindi na lang naging tayo. mali ee. kasi naging mahalagang parte ka na din ng buhay ko. siguro, even if I come down with a severe case of amnesia, i'll never forget those months with you. kung sinuman ang maswerteng mamahalin mo pagkatapos ko, sana hindi ka na maguluhan. you should know by Now that you don't figure love out. you simply just fall. pero alam mo ba? part yan ng charm mo.. yung nagtatanong.. yung nagtataka.. oo, ganun ka. kaya nga inaro takan maong.. pero hindi lang 'yun ang rason. at hindi na kailangang sabihin pa dahil hindi mo na kailangang alamin. dahil alam kong ayaw mo nang alamin.

all my friends told me to ditch you. and so i did. kaya nga kahit ilang beses kang tumawag dati, hindi mo ako ma-reach dahil nagpalit na ako ng number. at nung nalaman mo yung new number ko, nasa reject list ang number mo. at pagkatapos ng lahat ng yun.. in-Entertain din lang kita. nakakalito ba?

Masyado akong insecure, masyadong selosa. bakit ba? ganun ka din naman ah! oo, I still want you pero ansaki-sakit lan maong.  dahil hindi na kita maramdaman. dahil alam kong hindi ka na seryoso tulad ng dati. ego boosters na lang yang mga ginagawa mo.

haha. what did i expect, di ba? haay.

Masaya ka ba sa tuwing di ko natitiis ilapit ang phone sa mukha ko? sa tuwing kinukuwento ko ba sayo ang Araw ko, iniisip mo ba na sana kasama ka dun? haay. ngayon, namamahalan ka siguro sa minute calls na iniuukol mo dati sa akin. nasasayangan ka na siguro sa pamasahe mo papunta sa kung nasaan man ako.

Nakakatawa. nakaka-amaze. how easily attraction came and went. Unfair lang kasi inunahan mo na ako. o siguro, tinamaan lang ako ng husto sa'yo. ang galing mo lang kasi. ikaw na! kung makaingles ka, akala mo male version ni kris aquino. kung makipagtalo ka, akala mo male version ni meriam
 dEfensor santiago. ang corny Lang pero totoo naman. seryoso. siguro kung mababasa mo To, hahagalpak ka sa kakatawa. at iiral na naman ang kayabangan mo.

pero wala yan sa'kin. dahil mas masakit na hirap na akong tumawa. yUng totoong tawa? kasi alam ko darating na ang panahon na hindi mo na ako maaalala pa. o siguro nga dumating na. mas maganda siguro na ganito. na hindi na tayo nagkikita at nag-uusap. para san pa, di ba? kahit siguro magkaroon ng Chance na maging tayo ulit, hindi na ako pupusta pa. you can rest assured na hindi mo na ako makikita pa.

mag-iingat ka Ah? kasi inaro takan maong.. anggano amtak.. Ya sakey ak labat ed sikara..

nagmamahal,
super p.

R.I.P.

Sunday, December 25, 2011 § 3

first time kong mamatayan ng pasyente, nakakalungkot lang. ayoko ng maulit, ang hirap mag post-mortem care. gahhd. yung mata nya nakatirik isasara ko ba? nakatingin sya sakin. i swear saken sya nakatingin! kasalanan ko ba? i felt like my CPR wasnt enough, i felt like im not a good-enough nurse. damn it. i am mediocre. who cares if im merely sort-of mediocre at lots of stuff? im still mediocre. hay. hindi ko sya pinatay, ok? three days three nights ba namang nagra-range from 39 to 40 degree celsius yung temperature nya, luto na malamang utak nya. hays. ilang paracetamol iv ba talaga? every four hours ba? or kailangang every minute na? sana meron na lang gamot na 'Cool" lang ang label tas ang effect, ayun, cooling. magco-cool agad yung katawang nilalagnat. pero hindi yan ang point ko. ang point ko, first time ko namatayan ng pasyente at nakakagimbal yun na experience. ayoko na maulit. im not cut out for this. i guess. maya maya siguro, wala na tong feeling of macabre hysteria na nararamdaman ko. buti naman, nagawa ko pang mag-blog. itutulog ko na lang. sana lang sana lang.. nanay.. wag ka na munang magpaparamdam saken hah? patapusin natin ang christmas. );